Hinihikayat ang mga BSP Supervised Financial Institutions (BSFIs) na patuloy na maggawad ng relief measures sa kanilang mga kliyente tulad ng renewal, restructuring o pagpapalawig ng termino sa pautang.
Kaugnay nito, nagpatupad din ng relief measures ang BSP para sa mga BSFIs upang palakasin ang kanilang kakayahan na patuloy na magbigay ng serbisyong pinansyal sa publiko sa gitna ng pandemya.